Monday, September 28, 2015

EB's Bashers & Fanatics! (7)


Reynaldo Sebastian
(Dublin, Ireland)

Kasama ako sa milyun-milyong nagtu-tweet lalo na kung Sabado kunsaan ay special show palagi ang EB. At nung nakaraang Sabado ay maaga pa lang ay nagsimula na ako sampu ng kasaaman ko dito sa Dublin. Gusto sana naming ay linggu-linggo ay ma-break ng buong Dabarkads sa buong mundo ang record na EB na din mismo ang nag-set. 

Tahimik kaming nagtweet kahit pa sumisilip kami sa mga nangyayari sa kabila tuwing commercial (ang haba ng commercial ninyo, EB!). Nakita naming tatlong higantang loveteams ang kumakanta kasabay ng ating mga idolo, ang Adlub sa GMA. Ayun, natapos ang Sabado at tinanghal ang nanalo sa Twitter. At tahimik kaming na-move on sa buhay.

Tapos meron kaming nabasang ganito. Akala ba naming sport lang? Akala ba naming pana-panahong lang yan? Bakit hindi na napigilan ng Queen Horse ang kanyang bibig na naglabas pa ng statement? Oo, akala mo ay harmless ang statement pero hindi tanga at bobo ang tao. Sabi nga, we can read between the lines!

 “… Thank you sa lahat ng nakisali ng Twitter Party at 
nagpa-Trend sa #ShowtimeKapamilyaDay with
6.33M REAL and ORGANIC TWEETS. Patunay na
TOTOOng pinag-usapan sa social media…”

Kahit sinong makabasa ay mase-sense na may gusto tukuyin ang mga salita si Mr. Ganda.

Nakakapikon. Hindi pala. Nakakagalit. sa isang banda, nakaka-awa pala. Bakit, you ask?

When you think about it, hindi lang naman “Showtime” ang nanghihingalo eh pati ang career ni Mr. Vice Ganda. 

Dahil you have to remember that Vice Ganda is Showtime and Showtime is Vice Ganda. At kung ano man ang mangyari sa isa, madadamay yung isa.

Di ba mas nakaka-awa?


So, Dabarkads… charity na lang natin ito. Hwag nating patulan. Sabi nga ni Sen. Miriam… let’s just be magnanimous. Speaking of patulan, hwag na rin nating patulan ang isang ageing Broadway actress. Remember, may show siya sa kabilang network. Pabayaan na lang nating siya magpaka-OA. Maganda naman ang VOICE niya eh. Di ba, Mr. Joey de leon? 

More power to Aldub and Eat Bulaga! 

(Thank you for the images that we are using for this blog entry.)

3 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete