I was at the Broadway Studio (Friday, May 3, 2013) earlier than usual to catch the Aleng Maliit in her The Ryzza Mae Show. Everything seemed normal. I was not expecting anything spectacular to happen just the normal fun time with Ryzza Mae: taking her pictures, asking her to pose for some fan signs for blog friends and just, well, catch funny events with my camera that might tickle my blog readers.
And The Ryzza Mae Show started. The Cha-Charap theme song blared and the girl appeared. I saw the audience standing, waving, shouting... RYZZA! RYZZA! RYZZA! And then, it hit me. Parang tubig na malamig. Sobrang sikat na nga si Ryzza. Sobra sobra na nga. Ryzza Mae has reached superstar status. I remember Aiza Seguerra 25 years ago. Nag-uumpisa pa lang akong writer noon sa Eat Bulaga. Bago pa lahat sa akin ang buhay-production sa television. Si Aiza ang unang artistang nakita kong sumikat ng husto. We were coaching her in her segment with Tita Coney Reyes. Hindi pa siya magaling magbasa ng script na sinulat namin kaya puro salita lang. Hindi mahirap turuan, madaling pumikap. Parang si Ryzza. Bibo, mabilis ang takbo ng utak, matalino. After Aiza, wala na akong nakitang kasing-sikat niya. Kasing talino. Not until LMP 2012. Si Ryzza Mae na nga.
Hindi na ako nakapagpa-fan sign kay Ryzza Mae dahil hindi ako maka-singit sa dami ng mga dapat niyang gagawin (interviews sa ibang shows, segments sa That's My Boy etc). Kung dati ay nasa recording room lang siya ay nasa backstage na siya ngayon kasama ang iba pang Dabarkads. Big time na siya ngayon. Big time na big time na. RYZZA! RYZZA! RYZZA!
Watch the video bago kayo manood ng That's My Boy Grand Finals (11:30am).