Saturday, September 12, 2015

EB's Bashers & Fanatics!


Beverly dela Cruz
(Proud OFW, Hongkong)

Dear sir,

Good day po. Kung pwede po na gamitin ko ang blog ninyo para makapaglabas ng ngitngit. 

Matagal ko na po dapat ginawa ito.  Noong unang nagsalita siya ay hindi akong masyadong hot. Nakapagtimpi pa ako.  Sinasabi ko sa sarili ko na… ‘sige na, papalampasin ko na dahil kawawa naman dahil natatalo na sila sa ratings. Sige na, charity na lang.’  

Pero hindi talaga tumigil eh. Matapos ng litany niya laban sa Aldub ko nagtuloy-tuloy pa siya. Unang-una, hindi ka kagandahan, Mr. Jobert. Kamukhang-kamukha mo ang nalaos na komedyanteng si Jograd. Pero buti pa yon, tahimik. Pangalawa, ano’ng nawala pang napapatunayan ang Adlub?

Ang record-breaking Tweets ba na almost 6 millions tweets wala? Ang ratings ba nila ay hindi phenomenal na natalo pa ang primetime ratings (kasama ang Pangako Sa Iyo at On the Wings of Love)? Pangatlo, meron na ba sa mga shows ng mga loveteams mo ang pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) “for highlighting the moral standards when it comes to marriage.”

At lahat nang yan ang nangyayari sa isang loveteam na nabuo nung July pa lang! Halos tatlong buwan pa lang yun!  

Heto pa. Paano mong nasabing malalaos ang Aldub loveteam within a month eh kinuha na sila ng Mcdonald’s para mag-endorso ng bagong product! Patuloy lang na may malaking market na ang Aldub at tiyak na lalaki at tatagal pang lalo!

Yun lang, Mr. Jobert. Ayoko nang pahabain pa dahil mas importante pa ang gagawin ko sa kusina ng amo ko. Hindi ko lang matiis na hindi magsalita.

At thank you po, Mr. Fried Chicken at binigyan ninyo ako ng pagkakataong mailabas ang ngitgit ko. More power po sa blog ninyo! Mabuhay ang Adlub! Mabuhay ang EB! 

Yours,
Beverly


Maraming salamat, Ms. Beverly. Kung meron kayong tanong or sulat or requests na gustong iparating sa amin, please email us at EB.friedchickenbyaspineda@gmail.com! Please indicate your name and your contact address and number. Thank you! 

2 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete